Isang senador, tiwalang maibabangon ng susunod na economic team ang bansa mula sa pandemya

27

Pinuri ni Senator-elect Loren Legarda ang bumubuo sa economic team ng papasok na Marcos administration.

Kabilang dito si incoming Finance Secretary Benjamin Diokno, Central Bank Chief Felipe Medalla, Budget Secretary Amenah Pangandaman, NEDA Chief Arsenio Balisacan at Trade Secretary Alfredo Pascual.

Tiwala si Legarda na kayang kaya ng economic team ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibangon ang ating ekonomiya mula sa pandemya.


Ayon kay legarda, bukod sa pagiging eksperto sa posisyong itinalaga sa kanila ay hindi rin matatawaran ang integridad at track record ng mga miyembro ng economic team ni Marcos.

Facebook Comments