Isang senior citizen, nahulihan ng ilegal na droga sa Pasig City

56

Kalaboso ang isang senior citizen matapos mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa A. Santos St., Barangay Buting, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Romeo Genita, 61-anyos at residente sa naturang lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Pasig Philippine National Police (PNP), nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng naturang suspek.

Narekober sa senior citizen ang siyam na pirasong plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 20 gramo na nagkakahalaga ng ₱136,000 at ₱1,000 na buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments