Isang South Korean detainee, natagpuang patay sa isang pasilidad ng BI

53

Nagtagpuang patay ang isang South Korean National sa loob ng detention facility ng Bureau of Immigration (BI) sa Bicutan, Taguig nitong Lunes, January 4.

Si Son Byeongkweon, 52-anyos ay idinala sa BI Warden Facility matapos siyang maharang ng immigration agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong December 29.


Nadiskubre na lamang na wala nang buhay ang Koreano habang nagsasagawa ng routine checkup ang isang BI nurse.

Ipinagbigay alam na ng BI ang pangyayari sa Philippine National Police (PNP) para ikasa ang imbestigasyon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang BI sa Korean Embassy habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya ng PNP.

Facebook Comments