Isang spa sa Makati City na nagbibigay ng extra service sa kanilang parokyano, ni-raid ng mga otoridad

206

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati Police at Rescue Operation ang isang spa na nagbibigay umano ng extra service sa kanilang mga kliyente.

Ayon kay Police Rogelio Simon, Hepe ng Makati Philippine National Police, Spa Osaka ang pangalan ng kanilang ni-raid. Ito ay nasa General Luna Street kanto ng Mariano Street ng Barangay Poblacion sa lungsod ng Makati.


Anya pasado 12:40 kaninang madaling araw ikinasa ang nasabing operasyon, kung saan labing tatlong sex workers ang nasagip mula sa nabing spa.

Isang pulis asset aniya ang nagpanggap na customer kung saan nakatransakayon niya ang isa sa mga sex worker matapos nitong magbayad ng 3,000.00 saka isinigawa ang pag-raid sa nasabing spa.

Nasa P2,500 ang minumun bayad at umaabot naman ng P5,500 ang pinakamataas na bayad ang sinisingil ng spa sa kanilang mga parokyano.

Narekober ng mga pulis mula sa spa ang mga iba’t- ibang klase ng sex paraphernalia.

Facebook Comments