Isang sundalo, dalawang CAFGU at isang sibilyan, patay sa panibagong shooting incident sa Tipo-Tipo Basilan

444

Nasawi ang isang sundalo, dalawang Citizen Armed Force Guard Unit (CAFGU) at isang sibilyan sa panibagong shooting incident sa Brgy. Bohe Lebbung, Tipo-Tipo, Basilan.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas.


Ayon kay Encinas, alas-9:30 ng gabi kagabi nang pagbabarilin ang mga biktima ng hindi pa matukoy na dami ng armadong kalalakihan.

Sinabi ni Encinas ang nasawing sundalo ay may ranggong Private First Class.

Bukod sa apat na nasawi, sugatan din ang dalawang CAFGU at dalawang sibilyan.

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon at pursuit operation ng militar para matukoy ang mga salarin sa pamamaril.

Facebook Comments