Isang sundalo, missing in action sa gulo sa Marawi City

135

Marawi City – Isang sundalo ang nawawala sa nanatiling gulo sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, aniya higit isang buwan nang missing in action ang isang miyembro ng Philippine Marines na sinasabing nahulog sa Agos River noong Hunyo a diyes.

Ito ay sa kasagsagan ng paglusob ng mga ito sa kuta ng grupong Maute isis.

Hindi muna pinangalanan ni Arevalo ang nawawalang sundalo pero miyembro aniya ito ng 7th marine battalion at kasamahan ng 13 marines na nasawi sa 14 na oras na putukan sa Marawi noong Hunyo.

Sinabi pa ni Arevalo, sa ngayon wala pa silang impormasyon kung buhay pa o patay na ang nawawalang sundalo dahil hindi pa nila masuyod ang ilog kung saan ito nahulog dahil sa presensya ng mga terorista doon.

Facebook Comments