Isang sundalo patay, tatlo a sugatan sa sagupaan ng militar at NPA sa Taytay, Palawan

134

Patay ang isang sundalo habang tatlo pa ang sugatan matapos na magkaengkwentro ang tropa ng Marine Batallion Landing Team 3 (MBLT 3) at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Ibangley Abongan, Taytay, Palawan.

Ayon kay Captain Orchelyn Bobis, Spokesperson ng 3rd Marine Brigade, alas-3:30 kaninang hapon nang mangyari ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at NPA.


Nagtagal ng sampung minuto ang sagupaan bago nagsitakas ang mga NPA sa pinangyarihan ng engkwentro.

Sa ngayon, tinutugis na ng tropa ng Marines ang mga nakalabang NPA.

Facebook Comments