Isang taong gulang na bata, nasawi sa kamay ng yaya

Manila, Philippines – Patay ang isang taong gulang na bata matapos malapnos habang nakatali ang katawan nito.

Kwento ng tiyuhin ng biktima – ibinilin nila ang bata sa yaya na si Madel para alagaan ito pero iniwan ito.

Nagulat na lamang sila na hindi na umiimik ang bata nang lalaruin na lamang siya ng kanyang tyahin.


Ayon sa ina ng bata – mag-iisang taon na sa kanilang pamilya ang yaya matapos nilang kupkupin nito.

Nang ipasuri sa NBI ang pagkamatay ng bata, lumalabas na asphyxation o kawalan ng hangin ang ikinamatay nito.

Nalapnos din ang mukha ng bata at may bukol din ang ulo nito.

May mga marka sa kanyang tyan at binti na hinihinalang itinali.

Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng kasong murder ang yaya.

Facebook Comments