Isang teenager arestado; halos ₱300-M halaga ng shabu, nakumpiska

276

Tinatayang nasa ₱272-million halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakuha mula sa isang teenager matapos itong mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police BGen. Roderick Augustus Alba, nakuha ang ipinagbabawal na gamot kay John Paul Rupuesto, 18 years old at residente ng Cebu City.

Nasakote ang suspek matapos ang isinagawang operasyon nang pinagsanib-pwersa ng mga otoridad sa San Fernando City, La Union, noong Biyernes.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng multi-million illegal drug trade ni Rupuesto.

Samantala, inihahanda na ang kasong isasampa dito partikular na ang paglabag sa Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments