Isang trak na may kargang bigas sa Cebu, nahulog sa dagat

716

Iimbistigahan ng Philippine Coast Guard ang pagkahulog ng isang trak na may kargang mga sakop na mais na bigas sa pantalan ng Danao City sa lalawigan ng Cebu.

 

Ayun sa report na natanggap ng  Philippine Coast Guard Central Visayas nagmamaniobra na ang six wheeler truck  para maisakay sa roro na MV Mika Mari-v ng Jomalia Shipping Lines  nang maputol ang kabli sa rampa ng barko dahil sa bigat ng sasakyan  at nahulog ito sa dagat.


 

Wala namang napaulat na nasaktan dahil mabilis na nakatalon ang driver ng trak at mga tripulante nito bago pa tuluyang mahulog ito sa dagat.

 

Kaagad na nagrespondi ang Coast Guard sa Danao City at hindi na pinabiaye ang barko at inilipat na lang ang  94 na pasahero pati na ang iba pang sampung mga sasakyan sa sister ship ng barko na  MV Mika Mari 6.

 

200 sako ng bigas ang nakuha mula sa trak habang ang iba pa ay  natapon sa ilalim ng dagat.

 

Pinagsusumiti ng marine protests ang kapitan ng barko upang maiimbistiga ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers