Isang unggoy na pinangalanang “Uncle Fat”, pinag-didiet

281

Manila, Philippines – Isang obese Thai Monkey ang bibigyan ng isang espesyal na strict diet.

Ito ay si Uncle Fat, isang wild macaque at may timbang na 60 pounds (26 kgs) at tinatayang nasa edad 10-15.


Si Uncle Fat ay isa lamang sa mga hayop na malayang nakakaikot sa maraming bahagi ng nasabing bansa.

Bilang atraksyon sa mga turistang nakikipag-interact din sa kanila si Uncle Fat kasama na ang pagbibigay sa mga pagkain sa mga ito.

Karaniwang unggoy na makikita sa Thailand ay macaques na may timbang na 20 pounds (9 kgs) na malayo sa timbang ni Uncle Fat.

Sa laki nito kinailangan siyang i-rescue para hindi manganib ang kanyang kondisyon.
Isinisisi naman ng otoridad sa mga taong nagbibigay ng pagkain, ang paglobo ni Uncle Fat.




Dahil dito, kritikal na ang kondisyon ni Uncle Fat dahil may high-risk na ang unggoy ng heart-disease at diabetes.
DZXL558

Facebook Comments