Isang Venezuelan teen, nabulag matapos raratratin ng higit 50 rubber bullets sa mukha

41

Venezuela – Nabulag ang isang lalaki matapos mamaril ang mga pulis ng rubber bullets sa madla sa nangyaring kilos protesta noong July 2.

Ayon sa biktimang si Rufo Chacon – nagsimula ito nang mawala ang kulay sa kanyang paningin.


Sinubukang isalba ng doktor ang kanyang mga mata pero 52 rubber buckshot pellets ang tumama sa kanyang mukha at 16 rito ay direkta sa kanyang mga mata.

Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa at umaasang babalik ang kanyang paningin.

Maliban sa kanya, nagtamo rin ng sugat ang kanyang kapatid matapos hawatin ng baton ng pulis ang ulo nito.

Pagkatapos ng protesta, dalawang pulis ang kinasuhan ng attempted murder at improper use of weapon at cruel treatment sa protesters.

Facebook Comments

From Advertisers