Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng isang grupo ng mga volunteer lawyers ang impeachment complaint na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo.

18
  1. Manila, Philippines – Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng isang grupo ng mga volunteer lawyers ang impeachment complaint na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo.

 

Ito ay ayon kay Department of Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing na umaming kasama siya noong magkaroon ang nasabing grupo ng meeting para dito noong Biyernes.

 

Bagamat magbabahagi ito ng kanyang mga ebidensiya at iba pang impormasyon, itinanggi nito na kabilang siya sa grupong ito na tinanggihan niyang pangalanan.

 

Kabilang aniya sa mga basehan ng impeachment ang ginawang video ni Robredo na tumutukoy sa ginagawang laban ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga.

Facebook Comments