ISASAPUBLIKO | Composite sketch ng dalawa sa limang suspek na pumatay kay Fr. Richmond Nilo, ilalabas ngayong araw

146

Manila, Philippines – Ilalabas na ngayong araw ng Philippine National Police ang composite sketch ng dalawa sa limang suspek na pumaslang kay Father Richmond Nilo sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Central Luzon Police Director Chief Superintendent Amador Corpuz, patuloy ang pag-review sa mga kuha ng CCTV para mabigyan ng malinaw na larawan ang ibang suspek.

Sabi ni Corpuz, tatlo pa rin ang tinitingnang motibo sa pamamaslang kay Nilo, kabilang ang posibleng away sa lupa at alitan sa relihiyon.

Mababatid na ito ang ikalawang kaso ng pagpatay ng pari sa Nueva Ecija matapos mapatay sa pamamaril si Father Marcelito Paez sa bayan ng Jaen noong Disyembre.

Isa ring paring Katoliko, si Father Mark Anthony Ventura, ang pinatay noong Abril matapos magdaos ng misa sa Gattaran, Cagayan.

Facebook Comments