
Cauayan City – Pormal nang binuksan kahapon, Mayo 22, 2025, sa Cauayan City ang International Smart City Exposition and Networking Engagement (iSCENE) 2025, isang prestihiyosong pagtitipon na naglalayong itampok ang makabagong teknolohiya at inobasyon para sa smart cities sa Pilipinas.
Tampok sa tatlong araw na expo ang iba’t-ibang makabago at makabuluhang exhibits gaya ng integrasyon ng teknolohiya sa pagsasaka, inobasyon sa industriya ng Philippine textile, at robotics.
Kabilang din sa mga highlight ng kaganapan ang mga talakayan ukol sa paggamit ng Artificial Intelligence sa mga traffic systems at pagpapabuti ng public service delivery na mga hakbang na layong gawing mas epektibo at smart ang mga lungsod sa Pilipinas.
Facebook Comments