Isinagawang autopsy ng NBI sa labi ng pintor na si Bree Johnson, natapos na

591

Natapos na ang isinagawang autopsy ng National Bureau of Investigation o NBI sa labi ng painter na si Bree Jonson na nasawi noong Sabado sa isang resort sa La Union.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, isinagawa ang autopsy alas-2 hanggang alas-7 kaninang umaga at isasailalim na ang specimens sa laboratory examinations.


Una rito ay sinabi ng Philippine National Police na Asphyxia o kakulangan ng supply ng oxygen sa katawan ang ikinasawi ni Jonson habang nagpositibo rin siya sa paggamit ng cocaine.

Samantala, inilabas na ng PNP ang CCTV footage kung saan huling nakitang magkasama si Jonson at ang nobyo nitong si Julian Ongpin sa labas ng kanilang tinutuluyang kwarto.

Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, walang nakitang panlalaban ng biktima sa nasabing footage na tugma sa pahayag ng tauhan ng resort.

Facebook Comments