Isinagawang halos walong oras na Oplan Galugad sa New Bilibid Prison, natapos na

NBP – Natapos na rin ang halos walong oras na Oplan Galugad sa New Bilibid Prison.

Ayon kay PCI Jonalyn Malnat, spokesperson ng SAF, sari-saring celllphones.

Hindi pa madeterminang gramo ng shabu, mga pera, at matutulis na bagay.


Pinangunahan kanina ni DOJ secretary Vitaliano Aguirre, PNP chief Bato Dela Rosa, Benjamin Lusad, director ng SAF at PDEA Dir. Gen. Isidro Lapena ang paggalugad sa building 14, maximum at medium security compound.

Isinabay ang galugad sa pagrelyebo ng bagong isang batalyong SAF.

Ayon kay Sec. Aguirre, kapag natapos na ang kampanya sa Marawi, malamang na matuloy na Marines na ang ipalit sa SAF troopers sa pagbabantay sa New Bilibid Prison.

Mismong nga SAF na rin aniya ang humiling na sila ay mapalitan matapos mabahiran sila ng duda sa panunumbalik umano ng drugb trade sa Bilibid.

Facebook Comments