ISINALI | Jordan Clarkson, isinama sa line-up ng mga players na maglalaro sa Asian games

641

Manila, Philippines – Isinama ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si Fil-Am NBA Player Jordan Clarkson sa listahan ng mga players na maglalaro sa Asian Games sa Jakarta.

Ayon kay SBP Executive Director Sonny Barrios, kabilang si Clarkson sa 18-man line-up na kanilang isusumite sa Indonesia Asian Games Organizing Committee (INASGOC) kung saan ang team ng Rain or Shine ang magiging representante ng bansa.

Sa ngayon, nakikipag-usap na ang SBP sa pamunuan ng Cavs para bigyan ng clearance na makapag-laro si Clarkson.

Samantala, pumayag naman na ang NLex Road Warriors na hawakan ni Coach Yeng Guiao ang national team na maglalaro sa Asian Games na magsisimula sa August 18.

Facebook Comments