ISINIWALAT | Bank accounts ng mga Pinoy, ginagamit umano sa ilegal na transaksyon ng Chinese nationals

100

Manila, Philippines – Kinalampag ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ang Anti-Money Laundering Council o AMLC para imbestigahan ang umano ay paggamit ng ilang Chinese national sa bank accounts ng mga Pinoy para sa kanilang mga ilegal na aktibidad.

Sinabi ito ni Senator Gordon sa pagdinig ng kanyang komite ukol sa drug smuggling na kinakasangkutan umano ng ilang Chinese nationals.

Ayon kay Gordon, ginagamit umano ang alien certificate of registration ng mga Chinese nationals para magbukas ng account kung saan may ilang bangko ang pumapayag na gamitin ang pangalan ng ilang mga Pilipino.

Sa pagdinig ay sinabi naman ni AMLC Executive Ditector Mel Georgie Racela na alam na nila ang nabanggit na modus at nag-isyu na sila ng babala sa mga bangko ukol sa pagpapahiram sa dayuhan ng bank accounts ng ibang Filipino.

Facebook Comments