Isinusulong na amyenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, pinalagan ni Sen. De Lima

223

Mariing tinutulan ni Senator Leila de Lima ang House Bill number 7814 na magpapahintulot sa korte na i-convict ang isang akusado sa illegal drugs kahit hindi makapagpresinta ng ebidensya ang prosekusyon.

Base sa panukala, magiging presumed o ipapalagay ng nagkasala ang mahuhuling iligal drugs importer, financier, protector o coddler maliban kung mapapatunayan na sila ay inosente.


Giit ni Senator De Lima, labag sa ating konstitusyon o sa Bill of Rights ang naturang panukala kaya hindi ito dapat maisabatas.

Ayon kay De Lima, hindi ang akusado ang kailangang magpatunay na siya ay inosente.

Paliwanag ni De Lima, sa ilalim ng ating Saligang Batas ay trabaho ng prosecution na magpakita ng ebidensya na gumawa ng krimen ang isang akusado.

Facebook Comments