Isinusulong na Philippine Legislative Police, isang kahibangan – Movement Against Tyranny

Manila, Philippines- Isang malaking kahibangan ang pagsusulong ng Philippine Legislative Police para matiyak ang seguridad ng mga mambabatas, ito ang sinabi ni Teddy Casiño, Coordinator ng grupong Movement Against Tyranny.

Ayon kay Casiño, napakainsensitive naman ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas para hilingin ito sa panahong maski ang mga ordinaryong tao ay takot para sa sariling seguridad.

Aniya, ang pagsusulong nito ay isang malinaw na pagpapakita baluktot na pagkakaintindi sa kanilang mga pribilehiyo, at mas makabubuting aniya na itigil at kalimutan na.


Facebook Comments