ISINUSULONG | Petisyon ng DOJ para maideklarang terorista ang CPP NPA, tuloy

Manila, Philippines – Tuloy ang pagsusulong DOJ para maideklara bilang terrorist organizations ang Communist Party of the Philippine at New People’s Army.

Ito ay sa ilalim ng human security act of 2007.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra , paninindigan nila ang kanilang naunang petisyon kahit na meron o walang direktiba ang Pangulong Duterte.


Una nang naghain ang DOJ ng petisyon sa Manila Regional Trial Court upang hilingan na ideklara ang CPP NPA bilang terrorist organizations.

Kasunod ito ng naunang proklamasyon ng Pangulong Duterte na nagdedeklara sa CPP NPA bilang mga terorista.

Facebook Comments