
Cauayan City – Naglabas ng opisyal na anunsyo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa iskedyul ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) sa Lambak ng Cagayan.
Kasama rin sa inihandang pagsusulit ang Army Qualifying Examination (AQE) at Special Written Examination (SWE) para sa mga aplikante ng Officer Candidate Course (OCC) at Candidate Soldier Course (CSC).
Gaganapin ito sa May 04–07, 2025 sa Isabela State University, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela, Mayo 09–12, 2025 sa The Medical Colleges of Northern Philippines at International School of Asia and the Pacific, Alimannao Hills, Peñablanca, Cagayan at sa October 13–16, 2025 sa The Medical Colleges of Northern Philippines at International School of Asia and the Pacific, Alimannao Hills, Peñablanca, Cagayan.
Pinapaalalahanan ang lahat ng aplikante na magdala ng kumpletong orihinal na dokumento kabilang ang Diploma o Certificate, Transcript of Records (TOR) / Form 137 / Form 138, PSA-issued Birth Certificate, at Government-issued Valid ID.
Samantala, pinapayuhang makipag-ugnayan ang mga interesadong aplikante sa pinakamalapit na Army Recruitment Office sa kanilang lugar para sa karagdagang impormasyon.