Isnilon Hapilon, nagtatago pa rin sa Mosque sa Marawi City ayon sa DND

160

Marawi City – Pinasinungalingan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga balita na lumabas nitong mga nakalipas na araw na nakatakas na mula sa Marawi City ang lider ng Abu Sayyaf at tinaguriang Emir ng ISIS sa Asya na si Isnilon Hapilon.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang ay sinabi ni Lorenzana na batay sa kanilang natanggap na intelligence report ay nasa loob pa ng lungsod si Hapilon at nagtatago ito sa Mosque.

Samantala, batay sa pinaka huling impormasyon ay umabot na sa 336 na terorista ang napatay ng Militar sa Marawi City habang hindi pa naman nadaragdagan ang bilang ng mga napatay na banyaga.


Sa ibang balita, malaki ang tiwala ni Lorenzana na kakatigan ng Korte Suprema ang basehan na inilatag ng pamahalaan sa pagdedeklara Martial Law sa Buong Mindanao.

Nabatid na bukas ay inaasahang ilalabas na ng korte Suprema ang desisyon nito sa petisyon laban sa batas militar.

Facebook Comments