Isolation facility sa Makati, pormal nang binuksan ng Philippine Red Cross at ng Makati LGU

26

Pormal nang nilagdaan ng Philippine Red Cross (PRC) at ng Makati City Government ang memorandum of agreement sa pagbubukas ng isolation facility sa Makati Science High School sa Kalayaan Avenue, Cembo, Makati.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, ang naturang isolation facility ay mayroong family room para sa magpapamilya na nangangailangang isailalim sa quarantine.


Mayroon din aniyang nakaabang na mga ambulansya sa labas ng pasilidad sakaling mayroong pasyenteng kailanganing ilipat sa Ospital ng Makati.

Sinabi ni Gordon na mayroon ding area para sa swab testing.

Bukod dito, mayroon ding gender neutral room, maliban sa anim na mga kwarto para sa mga kababaihan at anim din na mga kwarto para sa kalalakihan.

Nilinaw naman ni Makati Mayor Abby Binay na ang nasabing isolation facility ay exclusive lamang sa mga residente ng Makati.



Facebook Comments