Israel, nagbigay ng 10,000 COVID-19 test kit sa Pilipinas

45

Aabot sa 10,000 test kit ang ibinigay ng Israel Ministry of Defense sa Department of National Defense (DND) para sa COVID-19 response ng militar.

Tinanggap ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana mula kay Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz.


Ayon kay Harpaz, magkaibigan at magkaalyado ang Israel at Pilipinas pagdating sa military modernization at capability upgrade.

Maliban sa mga test kit, nagbigay rin ang Israel ng mga Personal Protective Equipment (PPE) para sa mga first responder ng DND at Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments