Israeli Government, nagpadala ng health experts sa Pilipinas para tumulong laban sa COVID-19

134

Ikinatuwa ni Philippine Embassy to Tel Aviv Ambassador Macairog Alberto ang pagpapadala ng Israel ng grupo ng mga medical expert sa bansa para magsagawa ng medical mission kontra COVID-19.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy, Ministry of Health, Ministry of Foreign Affairs, at ng Philippines National Task Force (NTF) against COVID-19 na pinamumunuan ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.


Inaasahang darating ngayon ang team na pinangungunahan nina Dr. Avraham Ben-Zaken, Dr. Adam Segal and Dr. Dafna Segol.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ambassador Albreto sa Israeli Government sa pagpapadala nila ng misyon at mga miyembro ng medical team upang ibahagi ang kanilang kaalaman upang matiyak ang matagumpay na paglaban sa COVID-19 gayundin ang pagtulong sa vaccination program ng bansa.

Facebook Comments