
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang bagong ayos at kalidad ng Philippine International Convention Center (PICC) na magiging pangunahing venue ng ASEAN 2026.
Ayon sa pangulo, mistulang bago muli ang PICC matapos ang anim na buwang renovation.
Ganito dapat aniya ang mga proyektong imprastraktura ng bansa na matatag, pangmatagalan, at may pagtanaw sa kinabukasan.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na ang PICC ay itinayo hindi para sa pansariling interes kundi para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Pinagbubuklod umano nito ang mga tao, sa halip na magdulot ng hidwaan, at sumasalamin sa pagka-Pilipino sa maraming paraan.
Ang pagsasa-ayos ng PICC ay bahagi ng paghahanda ng Pilipinas bilang host at Chairman ng ASEAN 2026.
Facebook Comments









