ISYU NG BULLYING | Instagram live chat ni Heart Evangelista, patama nga ba kay Marian Rivera?

434

Showbiz – Lumikha ng ingay ang Instagram live chat ni Heart Evangelista noong Sabado kung saan topic niya ang tungkol sa bullying.

Wala namang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang pinatutungkulan niya pero base sa artikulong isinulat ni Janiz Navida sa column niyang “Showbiz Special” direktang pinangalanan dito si Marian Rivera.

Noong 2011, matagal na pinag-usapan sa showbiz ang alitan ng dalawang aktres habang ginagawa ang pelikulang Temptation Island.

Di umano, ikinulong ni marian si Heart sa CR dahil sa hindi pa rin makumpirmang dahilan.

Pero base sa ig live ni Heart, nagsasalita raw siya ngayon tungkol sa naranasan niyang pambu-bully noon blang bahagi ng kanyang Women Empowerment Advocacy.

Wala raw siyang intensyon na siraan ang sinuman at nagsasalita lang daw siya para i-motivate ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan at huwag hayaang maliitin sila ng sinuman.

Dagdag pa ni Heart, wala siyang binabanggit na pangalan at hindi ito tungkol kay Marian.

Tumanggi namang magbigay ng komento hinggil dito ang kampo ni Marian.

Facebook Comments