ISYU NG PAMBUBUGBOG | Resignation ng director ng PNPA, hindi tinanggap ni PNP Chief

60

Manila, Philippines – Hindi tinanggap ni Philippine National Police Chief Police Director Gen. Ronald Dela Rosa ang resignation ni Philippine National Police Academy (PNPA) Director C/Supt. Joseph Adnol.

Kasunod na rin ito ng insidente ng pambubugbog sa anim na bagong PNPA graduates kung saan mismong mga lower classmen ang mga suspek.

Ayon kay Dela Rosa – imbes na mag-resign, sinabihan niya si Adnol na ayusin na lamang niya ang sinasabing tradisyon sa akademya na pagganti ng junior cadets.

Ipinauubaya na ni Dela Rosa sa pamunuan ng PNPA ang pagresolba sa kontrobersya dahil hindi aniya nito hurisdiksyon.

Facebook Comments