Isyu sa motorcycle taxis, target resolbahin ngayong linggo

29

Inaasahang mapa-plantsa ngayong linggo ang mga isyu patungkol sa Philippine motorcycle taxis.


Ito ay kasabay ng mga isasagawang serye ng konsultasyon kasama ang iba’t-ibang stakeholders.

Ayon sa Inter-Agency Technical Working Group – ikokonsidera nila ang ilang panukala at sentimiyentong binanggit sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kahapon.

Anila, posibleng matalakay ito sa kanilang mga meeting bukas o sa Biyernes.

Pagkatapos ng mga meeting ay agad silang magpapasa ng report kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Facebook Comments