Isyu sa Recto Bank incident, iniakyat sa ASEAN Defense Ministers’ meeting

Iniakyat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang isyu ng Recto Bank incident sa 13th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) sa Bangkok, Thailand.

Ginamit ng kalihim ang oportunidad na pasalamatan ang mga crew ng Vietnamese fishing vessel na nagligtas sa 22 Pilipinong mangingisda na nakitang palutang-lutang sa Recto Bank matapos mabangga at abandonahin ng isang Chinese vessel.

Iginiit ni Lorenzana ang kahalagahan ng pag-adopt sa guidelines ng ADMM para sa maritime interaction upang maiwasan na ang mga ganitong insidente sa karagatan.


Tinalakay din sa pagpupulong ang pagtugon sa illegal, unreported at unregulated fishing.

Sa sidelines ng ADMM, nagkaroon ng bilateral meeting si Lorenzana kay Thai Defense Minister Prawit Wongsuwon at trilateral meeting sa counterpart nito sa Indonesia at Malaysia.

Facebook Comments