Italian Ambassador ng Democratic Republic of Congo, patay sa pag-atake ng armadong grupo

153

Patay sa pag-atake ng hindi pa nakikilalang armadong grupo si Italian Ambassador to the Democratic Republic of Congo, Lucca Attanasio.

Ayon sa Italian Foreign Ministry, naganap ang pag-atake habang patungo ang opisyal sa silangang bahagi ng Democratic Republic of Congo para magsagawa ng feeding program sa ilang eskwelahan.


Nabatid na kabilang sa nasawi ang isang sundalo at isang driver ng World Food Programme (WFP) habang sugatan naman ang ilang kasama sa convoy.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Italian Prime Minister Mario Draghi sa pamilya ng mga nasawi.

Facebook Comments