Itatalagang susunod na PNP chief ni PRRD, posibleng hindi manggaling sa shortlist ng DILG

1303

Posibleng hindi sa tatlong contender na nasa shorlist pumili si Pangulong Rodrigo Duterte ng itatalagang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senator Bong Go – prerogative pa rin ni Pangulong Duterte sakaling sa hanay ng one star general siya pumili ng susunod na PNP chief.


Binigyan diin ng senador na ang hinahanap ng Pangulo ay kung sino ang pinakatapat na PNP official na maaaring mamuno sa PNP.

Hanggang ngayon ay wala pang nahihirang ang Pangulo na ipapalit sa nag-resign at nagretirong si dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Bagamat ayon kay Go, lahat naman ng mga contender ay kwalipkado pero nahihirapan ang president na pumili kung sino ang pinakahonest sa mga ito.

Facebook Comments