Itatatag na OFW bank, pinatitiyak na OFWs ang dapat na makinabang

27

Manila, Philippines – Nais makatiyak ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na mga OFWs talaga ang makikinabang sa itatatag na OFW Bank.

Nababahala si Evardone, na siya ring Chairman ng Banks and Financial Intermediaries sa Kamara, na baka mga negosyante ang makakuha ng malaking pautang sa OFW bank at hindi ang mga lehitimong OFWs katulad na lamang ng nangyari sa ibang government development bank.

Umaasa ang kongresista na ang OFW bank ay magbibigay ng mababang remittance fee sa mga OFWs at mabigyan din ng madaling access sa pautang na may mababang interes.

Pinaglalatag din nito ng safety nets para sa mga OFWs na madi-dislocate o mawawalan bigla ng trabaho sa abroad.

Nilinaw naman ni Evardone na suportado niya ang Executive Order na nilagdaan ni Pangulong Duterte sa pagtatatag ng OFW Bank.

Facebook Comments