Itbayat, Batanes, niyanig ng 5.5 magnitude na lindol

39
Photo Courtesy: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) Facebook Page

Matapos yanigin ng 5.4 magnitude na lindol ang San Antonio, Zambales, sumunod namang niyanig ang Itbayat, Batanes.

Bandang alas-4:14 ng hapon kanina nang ma-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lindol na may magnitude na 5.5.


Natunton ang sentro ng lindol 93 kilometers Timog Kanlurang bahagi ng Itbayat, Batanes.

May lalim itong 14 kilometers at tectonic ang origin.

Facebook Comments