ITINANGGI | "Heartbroken" tweet ni Gretchen Ho, hindi raw para kay Robi Domingo

158

Kahit isang taon na mula nang maghiwalay sina Gretchen Ho at Robi Domingo, hindi pa rin maiwasan ng mga netizen na iugnay sila sa isa’t isa.

Kamakailan nang mag-post sa kanyang twitter si Gretchen ng “heartbroken and humbled”.

Isang Twitter user ang nag-comment at sinabing makaka-move on din ang TV host sabay sabing maging happy na lang daw siya “him”.

Walang pangalang binanggit ang netizen pero marami ang nag-assume na si Robi ang tinutukoy nito.

Sagot naman ni Gretchen, hindi lahat ng ipino-post niya sa social media ay tungkol kay Robi.

Nag-sorry rin naman ang netizen at tinanggap ito ni Gretchen.

Tingin naman ng ilang netizen, posibleng tungkol sa naranasan niyang pagnanakaw sa london ang post kung saan siya nag-cover ng isang cycling event.

Nabatid na nagsusukat ng damit sa isang shop sa Oxford street si Gretchen nang matangay ang kanyang bag na may lamang pera, passport, cellphone at iba pang mahahalagang gamit.

Facebook Comments

From Advertisers