ITINANGGI | Malacañang, itinangging pinagtatakpan ang usapin ng inflation

30

Manila, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na ginagamit nila ang isyu ng pagbawi ng amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV para ilihin ang atensyon ng publiko sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang koneksyon sa pagitan ng inflation at ng amnestiya ni Trillanes.

Giit ni Roque, ipinatutupad lamang ng gobyerno ang batas.

Aniya, si Trillanes mismo ay ginagawang ‘political issue’ ang inflation.

Tiniyak ng Palasyo na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para matugunan ang high consumer prices.

Ipinauubaya na rin ng Palasyo sa korte ang desisyon hinggil sa pagpapa-aresto kay Trillanes at sinigurong iiral ang rule of law.

Facebook Comments