ITINANGGI | Rhian Ramos, todo deny na nag-holding hands sila ni Jolo Revilla

147

Manila, Philippines – Todo deny ang aktres na si Rhian Ramos na nag-holding hands sila ng aktor na si Jolo Revilla makaraan silang dumalo sa special screening ng kanilang pelikula.

Say ni Rhian, never daw siyang nakipag-hawakan ng kamay kay Jolo kung saan kaniyang iginiit na grupo silang pumunta sa nasabing event.

Ilang beses na kasing nali-link si Rhian at Jolo sa isa’t isa, matapos ang naging hiwalayan nila sa kani-kanilang mga partners.

Pero para kay Rhian, natural lang daw na pag-isipan sila ng kung anu-ano ng mga tao na nakakakita sa kanila dahil as of now ay kapwa zero ang kanilang love life.

Diretsahan din namang sinasagot nina Rhian at Jolo na walang katotohanan ang pagli-link sa kanila at hindi din daw totoo na may something o romantic relationship sa pagitan nilang dalawa.

Iginiit pa ng aktres na hindi pa din siya nakikipag-date sa kahit kaninong guy matapos ang pakikipaghiwalay niya sa non-showbiz boyfriend nito lamang July 2018.

Facebook Comments