ITINANGHAL | Agot Isidro, Best Actress sa 66th FAMAS Awards

42

Manila, Philippines – Itinanghal na Best Actress ng 66th Filipino Academy of Movies Arts and Sciences (FAMAS) awards ang numero unong showbiz critics ng administrasyon na si Agot Isidro.

Nakuha ni Agot ang award sa pagganap nito sa pelikulang “Changing Partners” habang Best Actor naman si Allen Dizon sa pelikulang “Bomba”.

Humakot naman ng awards ang movie na “Balangiga: Howling Wilderness” na isang pelikula tungkol sa Philippine-American War kung saan naiuwi nito ang major awards tulad ng Best Film, Best Production Design at Best Cinematography.

Best Supporting Actress naman si Odette Khan sa pelikulang “Bar Boys” at Best Supporting Actor si Mon Confiado sa pelikulang “Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko”.

Nakuha naman ni Awra ang “German Moreno Youth Achievement Award” FPJ Memorial Award kay Coco Martin at ang Dolphy Memorial Award kay Vice Ganda.

Facebook Comments