ITINATAYONG GUSALI SA BONUAN BINLOC, DAGUPAN CITY, NAKATAKDANG GIBAIN DAHIL SA KAWALAN NG PERMIT

Sinita mismo ni Dagupan City Mayor Mayor Belen Fernandez ang isang itinatayong gusali sa Bonuan Binloc, Dagupan City dahil sa kakulangan ng permit at pagtatayo nito sa lupang nasa pag-iingat ng city government.

Itong nakikita niyo sa aking likuran na isinasagawang gusali maging itong mga bakod o fences na isinagawa ay hindi umano awtorisado, ayon sa lokal na pamahalaan. Maging ang City Engineering Office ay hindi pa umano nag-iisyu ng building permit para tuluyang magpatayo sa lugar na ito. Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa pangangalaga nila ang naturang lupain.)


‎Ilang beses na rin umanong nasabihan ang mga nagpapatayo na hindi maaaring patayuan ng istraktura sa nasabing bahagi ngunit matigas umano ang ulo ng mga ito.


‎Nabigyan na umano ng abiso ukol sa nasabing ilegal na gusali at isinasapinal na ang desisyon para sa demolisyon nito.


‎Binigyang diin naman ng alkalde na dapat sumunod sa kaukulang batas hinggil sa pagpapatayo ng mga gusali lalo na kung nasa ilalim ng pangangalaga ng gobyerno dahil maituturing itong ‘land grabbing’.

Ang naturang lupa ay isa sa mga napiling lugar ng city government na patatayuan ng isa sa mga presinto ng Dagupan City Police Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments