Itinuturong suspek sa Silawan slay case, pinalaya

Pinalaya muna ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Christine Silawan, ang grade 9 student na pinatay at binalatan pa ang mukha sa Lapu-Lapu City, Cebu.

 

Inilabas ng City Prosecutors Office ang release order kasabay ng araw ng libing ng biktima.

 

Ayon sa abogado ng suspek na si Atty. Vincent Isles, hindi pa naman valid ang inquest proceedings sa murder case ng 17-anyos na akusado dahil kailangan pa raw itong i-file.


 

Bukod dito wala rin naman umanong warrant of arrrest na iginawad ang mga pulis nang arestuhin ang menor de edad.

 

Kahapon nang ihatid sa kanyang huling hantungan si Christine.

 

Ikinagulat at ikinalungkot naman ng pamilya Silawan ang pagpapalaya sa suspek.

 

Gayunpaman, nais din ng mga kaanak ng biktima na makulong ang suspek sa tamang proseso para hindi na mababasura ang kaso dahil sa technicality.

Facebook Comments