‘It’s More Fun in the Philippines,’ mananatiling tourism slogan ng Pilipinas

Mananatili ang “It’s More Fun in the Philippines” bilang tourism slogan ng Pilipinas.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado III – epektibo kasi ang tagline na ito para sa tourism campaign ng bansa.

Paliwanag pa ng kalihim, mahirap kung papalit-palit ng tagline ang ahensya para sa branding at recall sa bansa.


Positibo naman ang Department of Tourism o DOT na malalampasan nito ang target na 8.2-million international visitors ngayong 2019.

Malaking tulong aniya rito ang pagtaas ng tourist arrival sa bansa mula Enero hanggang Mayo na umabot sa 3.4 milyon.

Facebook Comments