Ivana Alawi, inalala ang karanasan sa isang host na namahiya at umaway sa kaniya

151

Inalala ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi ang hindi niya makakalimutang encounter sa isang host mula sa isang giant TV Network.

Pagdedetalye ni Ivana sa YouTube video na in-upload noong February 10, hindi niya makakalimutan kung paano siya inaway at pinagsigawan ng host.


Naiyak na lang aniya siya dahil ginawa ito ng host sa harap mismo ng kapwa niya artista kahit wala siyang kasalanan.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng ginagawang teleserye ni Ivana na umere mula April hanggang August 2019.

Sa ngayon, hindi pinangalanan ni Ivana ang TV host pero ang tanging clue na ibinigay niya ay nagsisimula sa letter “M” ang pangalan nito.

Facebook Comments