Ivermectin, pwede ng gamitin bilang “off label” drug laban sa COVID-19 – DOH

48

Maaari nang gamitin bilang “off label” drug laban sa COVID-19 ang anti-parasitic drug Ivermectin.

Ito ay matapos mabigyan ng certificate of product registration (CPR) mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang Lloyd Laboratories para sa manufacture at sale ng Ivermectin.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring iresta ng doktor ang Ivermectin bilang “off label” drug.

Pero sinabi ni Vergeire na may pananagutan ang doktor sakaling i-prescribe nila ang gamot sa mga pasyente.

Dapat ding bantayan ng manufacturers ang gumagamit ng kanilang produkto.

Facebook Comments