Jacket na kayang tumagal ng 100 na taon, ibinebenta ngayon sa U.K.

United Kingdom – Isang unique at kakaibang jacket ang ibinebenta ngayon ng kumpaniyang Volleybak na kaya daw tumagal ng 100 na taon.

Ang “100 year hoodie”, na hindi daw basta-basta nasisira kahit pa dumaan ito sa 2,000 washes (paglalaba), 4,000 wears (pagsusuot) at 100 accident.

Isinailalim din ito sa iba’t-ibang klase ng test tulad ng pagpapasagasa sa 4×4 truck, sangkaterbang Motorbikes at Pison.


Gawa ito sa 100 percent Kevlar Fibres pero kasing lambot ito ng cotton na kung saan hindi daw ito mapupunit , masusunog at kukupas at may kakayahan din na tumagal sa temperature na aabot sa 300°C to -200°C kaya’t kung nais mong pumunta ng planetang mars ay magagamit mo ito.

Ang 100 year hoodie ay mayroong dalawang kulay tulad ng charcoal at pale yellow na ang bawat isa ay aabot sa $295.00 O P14, 885.00 ang bawat isa.

Facebook Comments