Jacklyn Jose, humingi ng tawad kay Vivian Velez

226

Humingi ng paumanhin ang beteranang aktres na si Jacklyn Jose sa radio host at aktres na si Vivian Velez matapos niyang batikusin dahil sa pagdepensa nito sa kapwa aktres na si Pinky Amador.

Sa Instagram post ni Jacklyn, hindi nito sinang-ayunan ang pagkampi ni Velez sa inasal ni Amador sa mga ordinaryong empleyado.


Matatandaang naging viral si Amador matapos murahin ang isang condotel staff dahil sa pagtanggap ng mga repartriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ng walang paabiso sa kanilang mga tenants.

Hindi naman tinanggap ni Velez ang “sorry” ni Jacklyn.

Facebook Comments