Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45, hindi pa rin napapanalunan

186

Walang nakakuha ng jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kagabi November 18, 2019.

Bigong makuha ng mga mananaya ang winning combination numbers na 37-52-35-31-47-51 para sa Grand Lotto 6/55.


Dahil dito, may tiyansa pang mapanalunan ang jackpot prize na aabot sa P29,700,000.00

Hindi rin nakuha ang jackpot prize na P8,910,000.00 para sa Mega Lotto 6/45 na may winning combination numbers na 31-34-27-38-33-08.

Maaari namang makita ang iba pang lotto game result sa website ng PCSO.

Facebook Comments

From Advertisers