Jackpot Prize sa Ultra Lotto 6/58, posibleng sumampa sa 184 Million pesos  

Inaasahang papalo sa 184 Million pesos ang Jackpot Prize sa Ultra Lotto 6/58 sa susunod na draw.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakauwi ng 178.2 Million pesos na Jackpot Prize nitong Tuesday draw dahil walang nakatumpak ng anim na winning combination na 21-26-38-10-19-36.

Pero 18 mananaya ang umuwi ng consolation prize na tig-71,670 pesos dahil nakuha ang lima mula sa anim na lucky numbers.


Wala ring nakalambat ng higit 18 Milyong pisong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.

Hinimok ni PCSO Spokesperson, Atty. Marissa Medrano ang publiko na hikayatin ang kanilang mga laro dahil ang ilang bahagi nito ay napupunta sa Charity Programs ng ahensya.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay ginaganap tuwing Linggo at Biyernes habang ang Super Lotto 6/49 ay isinasagawa tuwing Martes at Huwebes.

Facebook Comments