Jai Agpangan, inaming na-comatose dahil sa infection

265

Binasag na ng aktres na si Jai Agpangan ang tunay na dahilan sa kanyang pagkakadala sa hospital noong nakaraang buwan.

Sa kanyang vlog, inamin nitong halos tatlong araw siyang comatose dahil sa walang tigil na pagsusuka kasunod ng nangyaring infection sa kanyang kaliwang tainga.


Kwento ni Jai, habang nagluluto siya ng kanilang pang-Noche Buena ay bigla na lamang siyang nahilo at nag-pass out.

Mabuti na lamang at mayroon silang kapitbahay na doctor at agad itong nadala sa hospital.

“Actually, grabe ‘yung nangyari sa akin. I got coma for almost three days. 24, 25, 26. Tapos 27 ako nag-wake daw. Hindi ko alam na NGT, tapos lumbar tap ako kasi kala nila meningitis. Parang na-tetanus ako, infected, sepsis. Ang daming sinabi sa akin doctor. Pero buti na lang mabait ‘yung doctor namin magaling,” ani Jai.

Dahil dito, lubos ang naging pasasalamat ng aktres sa suportang ibinigay ng kanyang pamilya at umaasang ngayong taon ay magiging maganda na ang takbo ng kanilang buhay.




Facebook Comments